MGA BABALA AT PAALALA:
- ANG BLOG ENTRY NA ITO AY NAGTATAGLAY NG MGA SAMU'T-SARING PAKSA. KUNG SA IYONG PALAGAY AY HINDI MO KAKAYANIN, MAS MAINAM NA HUWAG MO NANG IPAGPATULOY ANG PAGBABASA.
- ANG MGA TINUTUKOY NG BLOGGER SA ENTRY NA ITO AY ANG KALAHATAN. MULI, KUNG SA IYONG PALAGAY AY IKAW ANG TINUTUKOY, ITO AY HINDI SINASADYA AT WALANG PANANAGUTAN ANG BLOGGER...PATI NA RIN PAKI-ALAM.
- KUNG SAKALI MANG IPINAGPATULOY MO ANG PAGBABASA, BAHALA KA NA SA BUHAY MO KUNG ANO ANG PAGKAINTINDI MO SA BLOG ENTRY NA ITO. TUTAL NAMAN, MATANDA KA NA AT NASA HUWASTONG PAG-IISIP.
- HIGIT SA LAHAT, HINDI ITO ISANG PASARING.
***
Nagtapos ako ng high school with honors. Siguro nga matalino ako: sa pag-aaral, oo, pero pagdating sa ibang larangan ng buhay, hindi ko masasabi. Marami-rami na rin ang mga napagdaan ko sa buhay -- syempre, pinaghalu-halong saya at lungkot. Marami na rin ang nakapagsabing suplado at malakas ang loob ko, pero hindi pa siguro nila ako lubos na kilala, hindi nila alam na, gaya rin ng isang normal na tao, nasaktan na rin ako nang maraming beses. Gayunpaman, ako ay lubos na nagagalak sa mga aral na aking nakuha sa mga ibat-ibang klaseng pangyayari sa buhay ko. Ikanga, "Experience is the best teacher."
Sa aking pananaw, ito ang semester na kung saan maraming akong na-realize at natutunan sa buhay:
- Bawal ang mahina. Nagkalat sa aking paligid ang mga taong handang i-take advantage ang aking kahinaan. Yung iba pa nga halatang nananadya eh. Hindi ko nalang sinasabi kasi ayaw ko namang basagin ang trip nila. Ayaw ko rin namang ipagkait ang kaligayahan nila. Hindi ako nagpapaapi kundi nagiging mabait lang. Isa pa, dapat nga akong maging masaya hindi ba dahil pinagkakaabalahan pa nila na guluhin ang akala-nilang-miserable kong buhay despite sa pagiging busy nila sa kani-kanilang buhay. At alam ko na mapapagod din sila balang-araw. Sila na nga ang nag-aksaya ng oras, sila pa ang nalinlang, at, sa huli, sila pa ang napagod. Kawawa naman pala sila at hindi ako. Ganyan talaga siguro kapag wala kang magawang matino sa buhay mo na sa sobrang walang saysay (sense), nangingi-alam ka nalang sa buhay ng may buhay. Sa ngayon, pinagwawalang pansin ko nalang ang ganyang klaseng mga tao. Oh sige, para hindi naman masyadong bitter pakinggan, nginingiti-an ko nalang sila. :)
- "Matalino man daw ang matsing, naiisahan din." Isa sa mga nakakaasar na bagay ay yung pakiramdam na naisahan ka. Alam kong gustong-gusto mong makaganti pero relax muna. Ikanga, "Never make decisions when you are angry." At isa pa, huwag mong ipahalata na affected ka. Ikaw lang ang lugi. Magpasalamat ka nalang na nangyari na at natapos na. Gamitin mo nalang ang pangyayaring iyon para i-evaluate ang iyong sarili kung saan ka nagkulang at nagkamali para the next time you will face the same situation, alam na alam mo na kung ano ang mga dapat gawin. Try to squeeze something good out from every situation - be it good or bad - in your life. Lakad lang nang lakad. Bahala na kung trying hard ka sa paningin nila, eh wala naman talagang mangyayari sa buhay mo kung hindi ka mag-ta-try hindi ba. :)
- Mag-ingat kung kanino mo ibibigay ang iyong tiwala sa mga issues ng buhay mo. Gaya nga ng sinabi ko sa previous blog entry ko, mabibilang lang ang mga taong tunay na nagmamalasakit sa iyo. Marami ang willing na makinig sa iyong problema pero, sad to say, baka hanggan doon lang talaga sila. Sayang lang ang tiwala na ibinigay mo sa kanila at sinayang din nila ang opportunity na pagkatiwalaan ng isang tao. Ang sarap kaya sa feeling na pagkatiwalaan ka ng isang tao tungkol sa mga bagay-bagay, personal man o hindi, sa kanyang buhay. Siguro, baka nakaligtaan lang ng mga magulang nila na i-emphasize ang kahalagahan ng respeto sa isang tao. :)
- Huwag bitter. Syempre, at some point, hindi natin maiiwasan maging bitter, tao lang din naman tayo. Pero sadyang may mga mapagpanggap na tao: hindi raw bitter pero halata naman sa kilos. "Actions speak louder than words," mga ate at kuya (pansin ko lang, ang hilig ko mag-quote). May pa-"Do not do unto others blah blah..." pa kayong nalalaman, hindi niyo naman pala kayang i-walk ang talk niyo. Moving on, huwag tayong bitter dahil tayo lang din ang lugi sa huli. Huwag natin i-stress ang mga sarili natin sa mga walang kwentang bagay. Mag-focus nalang tayo sa mga great things na naiwan [at nagpaiwan] sa atin. Ang sarap maging masaya. :)
It may be difficult at first, but I believe that sooner or later there will come a point that all the sadness and mourning will eventually end, and we will learn to accept what happened and move on with our precious lives. :)
"To love is to will for the good of another." - RS, part of question no. 12
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento